Connect with us

International News

NAWAWALA SA PAGHAGUPIT NI DORIAN SA BAHAMAS, UMAKYAT NA SA 2,500

Published

on

Members of the fire rescue team Task Force 8, from Gainesville, Florida, search for bodies one week after Hurricane Dorian hit The Mudd neighborhood in the Marsh Harbor area of Abaco Island in the Bahamas, Monday, Sept. 9, 2019. Fernando Llano | AP

Lumubo na sa 2,500 katao ang mga nawawala kasunod ng pananalasa ng Hurricane Dorian sa Bahamas, ayon sa tala ng National Emergency Management Agency.

Hindi naman bababa sa 50 ang naiulat na nasawi matapos ang delubyong dulot ng bagyo.

Batay sa tagapagsalita ng NEMA na si Carl Smith, nasa ilalim pa ng proseso ang database, at kailangan pang marehistro ang mga pangalan ng mga taong lumikas.

“At this point there are approximately 2,500 on the Bahamian government register,” saad ni Smith sa isang press conference.

“This list has not yet been checked against government records of who is staying in shelters or who have been evacuated,” dagdag nito.

Tinatayang 2,043 na indibidwal ang nananatili sa housing sa isla ng New Providence nitong Martes.

Pahayag naman ni Disaster Relief and Reconstruction Committee, Chairman John Michael Clarke, may mga plano umano na maglalagay ng 4,000 katao sa pansamantalang pabahay sa Marsh Harbour.

“We are right now investigating the best option for the relief centers, because these won’t be there for weeks, these could be there for anywhere between 180 days and 365 days, depending on what we find in our assessments,” wika ni Clarke.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga otoridad sa mga nawawala.