Aklan News
BAKUNA SA LAHAT NG RESIDENTE SA BORACAY, ISINUSULONG PARA MADALING MAKABANGON ANG TURISMO


Naniniwala si Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Edwin Raymundo na madaling makakabangon ang turismo sa Boracay Island kapag nabakunahan ang lahat ng residente.
“If you want to jumpstart the economy, we have to concentrate more on the vaccination rollout,” pahayag ni Raymundo sa panayam ng Radyo Todo Aklan..
Ginagawa aniya ng lokal na gobyerno ang kanilang makakaya para sa vaccination rollout pero limitado lang ang suplay ng bakuna na nanggagaling sa national government.
“Ito lang ang ating solusyon [ang bakuna], ang atin namang LGU at ang ating provincial, they’re doing also their best kaso limited ang supplies ng vaccine,” ani Raymundo.
Matatandaan na nakipagpulong ang mga opisyal ng BFI kay Davao City Congressman at Presidential Son Paulo Duterte noong nakaraang bisita nito sa Boracay para magpatulong sa National Inter Agency Task Force on Covid -19 na mabigyan ng mas maraming alokasyon ng bakuna ang isla.
Nangako naman si Cong. Duterte na kanya itong personal na hihilingin kina Vaccine Czar Carlito Galvez.
Nasa mahigit 38,000 ang populasyon sa isla ng Boracay pero sa ngayon ay 1300 doses palang ng COVID-19 vaccines ang dumating simula ng mag-umpisa ang vaccination roll-out kung saan mga Healthcare Workers at Senior Citizens pa lang ang nabakunahan.