Life Hacks
π ππ’π’π | Mindfulness Apps “Let your mind blossom”
Nahihirapan ka bang matulog? Lagi ka bang nag-aalala at napapagod at nadadagdagan ang iyong stress? Kung ganun, kailangan nating i-practice ang pagiging mindfulness.
Ang mga mindfulness practices ay makakatulong sa atin upang madagdagan ang ating kakayahang kontrolin ang emosyon, mabawasan ang stress, pagkabalisa at pagkalungkot.
Maraming makikitang mga meditation at mindfullness apps sa Play stores at App store. Lalo na ngayong pandemya ang demand sa mga nangangailangan ng meditation at mindfullness app ay dumami, ayon sa New York Times.
Sa katunayan, iniulat ng Wall Street Journal na higit sa 2,000 na mga bagong mindfullness apps ang inilunsad sa pagitan ng 2015 at 2018. Narito ang limang mga app na siguradong makakatulong sayo para malabanan ang araw-araw na pressure sa ating buhay.
MyLife Meditation
Ang app ay mayroong 45 na libreng session. Maari ka ring pumili sa kung ano ang iyong mas prefer. Isang friendly male voice (Grecco) o calming female voice (Jamie) bilang iyong gabay sa meditation .
Mayroong section ang app kung saan ipinapaliwanag doon kung ano ang mindfulness at bakit ito mahalaga. May kasama ring neuroscience at Psychology ito. Ang kagandahan sa MyLife Meditation ay bawat araw kapag binuksan mo ang app, will instruct you to βTake a Breathβ at inaanyayahang i-check muna ang iyong sarili β ito’y para ma-rate ang iyong kaisipan at katawan sa isang scale na βroughβ to βgreat.β Literal na my life meditation talaga.
UCLA Mindful
Binuo ng Mindful Awareness Research Center sa University of California, Los Angeles (UCLA) ang UCLA Mindful app. Marami kang pwedeng matutunan dito tulad ng, “focusing on your breath, your body, or sounds; work with difficult emotions, and cultivate loving-kindness in sessions that range from 3 to 19 minutes long.”
Kung bago ka palang dito, maaari mong piliin ang kanilang “Getting Started section,” ito’y nag-bibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang mindfullness, paano pumili ng meditation na tamang-tama sayo, pati na rin, kung aling posture ang nararapat para sa iyong exercises, at kung anong mga benepisyo ang maasahan mo dito.
Healthy Minds Program
Ang app na Healthy Minds Program ay tutulungan ka para ma-develop ang iyong skills for a healthy mind sa pamamagitan ng pagpapatibay ng iyong focus, pagiging matatag, at mahabagin. Tutulungan ka ring mabawasan ang iyong stress.
Itinatag ng neuroscientist na si Dr. Richard Davidson (the research institute Center for Healthy Minds at the University of Wisconsin-Madison), ang Healthy Minds Program kung saan pinag-sasama ng app ang neuroscience at mga research-based techniques na may meditation training upang mapabuti ang pangkalahatang pagkatao.
Insight Timer
Ang Insight Timer ay mayroong isang malaking silid-aklatan na naglalaman ng higit sa 80,000 libreng guided meditations mula sa higit sa 10,000 na mga guro sa mga paksang tulad ng stress, relasyon, healing, pagtulog, pagkamalikhain, at marami pang iba.
Maaari ka ring mag-sign up sa Circle for Teams, isa sa kanilang bagong features. Ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang makalikha ng mga group of circles upang mag-meditate in real-time. Pero, kung mas gusto mo naman ng isang tahimik na pagninilay, pwede kang gumawa o magset ng timer, at mag meditate sa mga intermittent bells, o kaya’y makinig sa mga calming ambient noise.
Smiling Mind
Hinihikayat ng app na ito ang lahat, ano man ang inyong edad, na magpractice ng mga mindfullness exercises. Mayroong mga programa na idinisenyo para sa mga bata na pitong taong gulang hanggang sa mga teen-agers at matatanda.
Ang mga adult programs ay idinisenyo upang suportahan ang pagharap sa pressure, stress at mga hamon ng buhay. Ipinagmamalaki din ng app ang 42 session ng mindfullness na naka-grupo sa 10 magkakaibang mga modules, tulad ng breathing, sounds, taste, feelings, emotions, and relationships.