National News
Factory worker pinasweldo ng tig-sisingko at diyes sentimo
Valenzuela–Ipinakita ni Russel Mañosa, isang factory worker, ang isang plastic bag na puro tig 5 at 10 centavo coins bilang sweldo niya para sa 2 araw na trabaho na nag kakahalaga ng ₱1,056.
Kailangang bilangin pa ni Russel ang sandakmak na barya, dahil may duda siya na nag kakahalaga nga ito na ayon sa kanyang sweldo.
Ayon kay Russel, pakiramdam niya ay ganti daw ito ng kumpanya sa mga reklamo nito ukol sa mga di makatarungang gawain ng isang factory sa Valenzuela City.
Dahil sa insultong natanggap, napagpasyahan ni Russel na umalis na lang sa trabaho, at kasalukuyang naghahanap ng bagong pagkakakitaan.
Ipinatawag na ni Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela ang may- ari ng factory para mag paliwanag.
Tumanggi naman mag bigay ng komento ang naturang kumpanya.
Nakasaad sa Circular Issue ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2006, na ang mga barya na ₱1 (piso) hanggang ₱5 (limang piso) ay maaaring tanggapin bilang kabayaran ngunit hindi dapat hihigit sa ₱1000.
Samantala, ang mga baryang 1 centavo, 5 centavos, 10 centavos, 25 centavos ay maaaring tanggapin bilang kabayaran ngunit hindi dapat hihigit sa ₱100.
Source: ABSCBN