Iloilo News
Liquor ban sa probinsya ng Iloilo, tatanggalin na simula bukas, Hulyo 1
TATANGGALIN na ang umiiral na liquor ban sa probinsya ng Iloilo, simula bukas, Hulyo 1, 2021.
Batay sa pinakahuling Executive Order ni Iloilo Governor Arthur Defensor, na inilabas ngayong araw, Hunyo 30, hindi na kabilang ang implementasyon ng liquor ban sa probinsya.
Samantala, kinumprima naman ni Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon na tatanggalin na ang liquor ban.
Kabilang din sa mga itinanggal sa EO ay ang implementasyon ng border restrictions at travel pass sa probinsya.
Continue Reading