Health
Apat na Rehiyon ng bansa nasa High-Risk at ang mga Ospital nito ay “under strain”- DOH
Dalawang rehiyon sa Visayas at dalawa pa sa Mindanao ay kabilang sa mga “high-risk areas” ng COVID-19. Ito ay dahil sa patuloy na pag-angat ng mga cases at bilang ng mga hospital beds na nagagamit, ayon sa isang opisyal ng Department of Health kahapon, June 30.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, officer in charge ng DOH Epidemiology Bureau, “higher than usual” ang mga cases na na-iulat mula sa Eastern Visayas, Western Visayas, Davao at sa mga rehiyon ng Soccsksargen kumpara sa kanilang buong populasyon.
“We are also seeing a corresponding increase in their health-care and ICU (intensive care unit) utilization rates,” sabi ni De Guzman sa online town hall meeting kahapon.
Isang paraan ng mga health authorities para masukat ang geographical risk ay and pag-tukoy sa Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilang ng mga tao na may COVID-19 kada 100,000 ng kanilang population sa loob ng dalawang linggo.
Bukod pa doon, isa pang paraan din ang pagbilang ng mga nagagamit na hospital beds, lalo na sa mga ICUs na mayroon ang isang lungsod, probinsya, o rehiyon. Kapag mas mataas ang proporsyon na nagagamit, mas mataas ang risk.
Ang apat na rehiyon na naitala ay mayroong higit sa 7 ang ADAR, at ito ay itinuturing “high risk”. Samantala, ang Metro Manila ay may ADAR na 5.7 na naitala noong nakaraang linggo, at ito ay itinuring na “low risk”.
Metro Manila “Low Risk” na
Ang ICU utilization rate sa Western Visayas ay nasa 83.17 percent. Ang Davao naman ay mayroong 86.22 percent na ICU utilization rate at 74.29 percent naman ang sa Soccsksargen, ayon kay De Guzman.
Samantala, kahit na nasa “safe level” ang ICU utilization ng Eastern Visayas, kasama pa rin ito sa mga high-risk regions dahil sa mataas na ADAR na 7.05, dagdag ni De Guzman.
Ang town hall meeting ay dinaluhan ng mga local governments, representatives, Cabinet Secretary Karlo Nograles, at iba pang mga opisyal ng DOH at Department of Labor and Employment, kasama si Labor Secretary Silvestre Bello III.
Nagbigay si De Guzman ng overview sa sitwasyon ng COVID-19 ng buong bansa.
Sabi niya na karamihan sa mga rehiyon ng Luzon, maliban sa Mimaropa, ay nagpapakita na ng “general decline in cases.” Dagdag pa aniya, ang Mimaropa ay nagkaroon ng maliit na pagtaas sa mga cases noong nakaraang dalawang linggo.
Ang Metro Manila, na tinaguriang epicenter ng pandemic, ay nasa low risk na dahil sa dahang-dahang pagbaba ng mga kaso.
Sa Central Visayas naman ay “plateauing” ang mga kaso na sinundan ng biglang pagbaba. Samantala ang karamihan sa mga rehiyon ng Mindanao ay nagpapakita ng “downward trend” maliban sa Davao, ulat ni De Guzman.
Naiulat ng DOH na mayroong 4,509 bagong kasong ng COVID-19 infection, at nagbigay ng total na caseload na 1,412,559.
Naka-recover na rin ang 5,839 na mga pasyente, at dumagdag sa total na bilang ng mga nakaligtas sa severe respiratory disease na 1,339,248. Samantala, 105 naman ang nasawi, at tumaas ang death toll sa 24,662.
Source: Inquirer.Net