Connect with us

Health

DOH Pilipinas nasa “LOW RISK” na sa COVID-19; OCTA Hindi sang-ayon

Published

on

PH low risk

Habang hindi pa nakaka-balik ang ating bansa sa pre-surge level nito o ang lebel bago pa tumaas ang kaso ng Covid-19, nag anunsiyo na kahapon, Huwebes ang DOH (Department of Health) na ang Pilipinas ay maituturing na “low risk” na sa COVID-19, matapos na bumagal o humina ang kaso sa national level at bumaba na rin ang daily infection rate.

Gayun pa man, hindi sang-ayon dito ang ilang pandemic monitors sa pag anunsiyo at assessment ng kagawaran.

“We have a negative two-week growth rate, and our Adar (avarage daily attack rate) nationwide is 5.42” pahayag ni Dr. Alethea de Guzman, acting director ng DOH Epidemiology Bureau, sa isang online media briefing.

Sinusukat ng ating mga Health Authorities ang COVID-19 risk sa pamamagitan nang pag tukoy ng ADAR o ang bilang ng mga tao na nagkakaroon ng coronavirus sa bawat 100,000 na populasyon, sa loob ng dalawang Linggo.

Isa pang batayan ay ang bilang ng mga hospital beds, partikular ay yung nasa ICU o intensive care unit, kung ilan ang okupado dito base sa bilang kung ilang bayan, lungsod, o probinsya.

REGIONAL PERSPECTIVE

Ayon naman sa OCTA Research, sinasabi at maituturing lamang ang isang lugar ay nasa “low risk” kung ang ADAR nito ay less than one.

Ang OCTA Research group ay binubuo ng mga academics na nag-oobserba simula pa nang pumutok ang pandemiya noong nakaraang taon.

“We consider ADAR below 1 to be low risk, ADAR from 1 to 10 to be moderate risk,” sinabi ng isa sa mga OCTA researcher Guido David sa isang panayam ng Inquirer.

Para sa OCTA ang ADAR na may less than 1 per 100,000 population, per day ay maaring ikunsidera bilang low risk “and that is what other countries use” ayon kay David.

UTILIZATION RATE

Pahayag ni David, siya at ang kanyang grupo ay tinitingnan ang “risk level” ayon sa “regional perspective” kaysa sa “national perspective” dahil mayroong magkakaibang degrees ng exposure sa COVID-19 sa buong bansa.

“When we look at the national average, we are overlooking what is happening at the local level,” sabi ni David.

Sa presentation ni De Guzman kanyang nabanggit na ang bansa sa kabuuan ay nasa moderate level, ngunit ang national utilization rate ng mga ospital at ICU beds na para sa mga COVID-19 patients ay masasabing nasa “safe zone” na.

“Health-care utilization rate is at 46.51 percent while ICU utilization is at 55.24 percent,” pahayag ni De Guzman.

Ayon din kay De Guzman ang Health Department’s data ay nagpapakita na ang case growth rate ng Pilipinas ay bumaba ng -9 percent noong Hunyo 13-26, mula sa 15 percent growth rate mula noong Mayo 30-Hunyo 12.

Binase ni De Guzman ang kanyang assessment sa bansa na nasa low risk sa parehong moderate ADAR na mayroong 5.42 at low hospital utilization rate.

SITUATION STILL FRAGILE

Gayun pa man, ipinahayag niya kahapon na mayroong 4 na rehiyon sa Pilipinas ang mayroong mataas na ADAR at health care utilization rates- Eastern and Western Visayas, ang Davao at Soccsksargen sa Mindanao. Lahat ng apat na rehiyon ay may higit sa 7 ADAR as of June 30. Ayon kay De Guzman.

Ang Pilipinas ay nananatiling nasa fragile situation dahil ang pag baba ng mga kaso ay “thin and very slow”.

“The challenge now is that while we open up our economy, we have to have safeguards” -sabi ni De Guzman. Dagdag pa niya kung ang bansa ay patuloy na magsisikap sa pag-papababa nang pagkalat ng virus, mas bibilis at mas bababa pa ang mga kaso.

Source: Inquirer.Net