National News
Lumalalang kundisyon ng Edukasyon sa Pilipinas nakaka-alarma ayon sa Malacañang
Ayon sa World Bank Report, 80(%) percent ng mga Filipino students ay hindi nakakasabay sa minimum level of proficiency ng kanilang grade levels.
Sa 79 na mga bansang nag-participate sa Program for International Student Assessment (Pisa), ang Pilipinas ay panghuli sa ranking sa pagbabasa at pangalawa sa huli sa Science and Mathematics.
Sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) noong 2019 naman, panghuli pa rin ang ranking ng Pilipinas sa Science and Mathematics sa the fourth-grade assessment sa 58 na mga bansang nag-participate.
Nasa bottom half rin ang Pilipinas sa reading, mathematics, and writing literacy sa Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) noong 2019.
Isa sa bawat apat na Grade 5 student ay hindi umabot sa level na kakayahan na pang-Grade 2 o 3 pagdating sa reading at mathematics. At apat sa bawat limang 15-year-old students hindi marunong ng basic mathematical concepts tulad ng fractions at decimals na dapat na-master na nila noong sila’y grade five pa lamang.
Base sa report, ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ng kabataan ngayon sa pag-aaral ay ang rampant student bullying, hunger incidence among poor households, lack of facilities at other safety issues.
Pinakita rin ng report na 10% to 22% lamang ng mga Grades 4, 5, at 9 students sa Pilipinas scored “at or above minimum proficiency.”
Malacañang Alarmed
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kahapon, na ang report galing sa World Bank ay “alarming and indeed a cause for concern.”
“That is very disturbing po and very alarming,” aniya.
Pero, tiniyak ni Roque sa publiko na ang Department of Education (DepEd) ay magsasagawa ng mga hakbang upang malutas ang sitwasyon.
“I’m sure Secretary [Leonor] Briones and her team at the Department of Education will sit down and study, as well as discuss ways forward upon receiving this World Bank report,” sabi ni Roque.
“‘Wag po kayong mag-alala, pag-aaralan po mabuti natin kung ano yung sinasabi ng report at titingnan po natin kung paano natin mababago ang ating curriculum lalo na sa panahon ng pandemya,” dagdag niya.
Ayon sa Palace official, patuloy na nag-iinovate ang DepEd simula ng magkaroon ng mga lockdown ang Pilipinas dulot ng pandemiya.
Crisis in Education/Bullying/Poor Health
Pero, batay sa World Bank report, ang problema ng Pilipinas ay nagsimula bago pang magsimula ang pandemya.
“There is a crisis in education—which started pre-COVID-19, but will have been made worse by COVID-19,” saad ng report.
Sa tatlong assessments, (Pisa, TIMMS, at SEA-PLM) pinakita ng report na ang bullying ay partikular na laganap sa Pilipinas sa iba’t ibang grade level.
Nabanggit din ng World Bank ang hindi magandang kalagayan sa kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral ay maaaring naging hadlang din sa kanilang kahandaan at kakayahang matuto.
Challenge Accepted
Sa isang TeleRadyo interview ng ABS-CBN, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na tinatanggap nila ang World Bank Report at tinanggap nila ito “as a challenge.”
“Tinatanggap natin as a challenge at hamon itong nakita sa resulta na medyo malayo tayo,” aniya. “Nasa baba tayo kung titingnan natin ang sukatan ng mga literacies from international standards.”
Gayunpaman, pinuna niya ang World Bank sa paghawak nito sa report, sabi ni Malaluan hindi binigyan ng Washington-based lender ang kanilang ahensiya ng advance copy o an opportunity to look into the study bago nila i-released sa media.
“And there’s no acknowledgement in this study ‘yong ating mga reform initiatives na ginagawa na sa Department of Education na may direct knowledge naman sila,” sabi niya.
Dagdag pa ni Malaluan sa World Bank report, “it lacks acknowledgment that the challenge in the quality of education is a product of historical development.”
“And World Bank is actually a key participant in the historical development with lending in major reform programs in education,” sabi niya.
Dagdag niya na, “We are as much a partner in addressing the challenge of the quality of education and we hope they will also acknowledge the things that are already being done.”
Sources: Manila Times, ABS-CBN, Inquirer, World Bank