National News
Galvez nagbabala sa mga taong illegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines
Nagbabala si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa mga taong illegal nagbebenta ng COVID-19 vaccines dito sa Pilipinas.
Ayon kay Galvez, ang mga COVID-19 jabs sa bansa ay “under
emergency use authorization (EUA) by the Food and Drug Administration (FDA) only and therefore cannot be commercially sold.”
“We believe this type of unscrupulous activity does not only hamper the efficient and effective rollout of our national vaccination program but also puts our countrymen in danger with the selling and eventual use of unverified anti-COVID 19 vaccines,” sabi niya.
Dagdag pa ni Galvez, ang national COVID-19 task force ng Pilipinas sa ilalim ng batas “will ensure that a thorough investigation on the matter is conducted, and those involved will be penalized.”
Sinabi niya rin na na-identify na agad ng mga awtoridad ang mga vaccine lot numbers at nagsasagawa na ng mga follow-up operations upang arestuhin ang mga violators.
“We encourage the public to report these kinds of illicit activities so that we bring to justice those who are involved,” aniya.
Ang mga vaccines na na-aprubahan lamang for emergency use authorization ng FDA ng Pilipinas ay Pfizer, Sinovac, Gamaleya Institute, AstraZeneca, Johnson & Johnson, Bharat Biotech, at Moderna, kasama rin ang 1,000 doses na donasyon ng Sinopharm na inilaan para sa Presidential Security Group.
Sa ngayon, mahigit 17.4 million doses ng vaccines ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Gamaleya ang naipadala sa bansa.
Para magkaroon ng herd immunity laban sa coronavirus, hindi bababa sa 58 million ang planong abutin ng national goverment na mabakunahan.
Source: ABSCBN News