Health
Lambda Covid-19 strain, mas mapanganib kaysa sa Delta Variant?
Ayon sa Health Ministry ng Malaysia, may isang bagong Covid-19 strain na mas mapanganib pa kaysa sa Delta variant na nadetect sa mahigit 30 ng mga bansa sa nakaraang apat na linggo.
“The Lambda strain was reported to have originated from Peru, the country with the highest mortality rate in the world,” sinabi nila sa isang tweet kahapon, July 5.
Dagdag pa ng Health Ministry na na-detect rin ang Lambda strain sa United Kingdom na ayon sa isang ulat mula sa Australian news portal news.com.au.
Batay sa New Zealand Herald, mayroon ng naitalang anim na mga kaso ng Covid-19 Lambda strain sa UK ngayon.
Hindi pa rin matukoy at maintindihan ng buo ng World Health Organization scientists ang Lambda strain kung saan kumalat na ito sa higit 30 na mga bansa.
Ayon naman sa The Nation, pinapakita ng mga datos na ang bagong strain ay mas transmissible pa kaysa sa Delta, Alpha, at Gamma variants, citing health experts.
Bukod dito, ayon sa kanila ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay maaaring hindi sapat na proteksyon laban dito.
“Our data show for the first time that mutations present in the spike protein of the Lambda variant confer escape to neutralising antibodies and increased infectivity,” batay sa mga researchers mula sa University of Chile na pahayag nila sa The Nation.
Sources: Inquirer.Net, New Zealand Herald, The Nation