Aklan News
2 ESKWELAHAN SA KALIBO, PANSAMANTALANG GAGAWING QUARANTINE FACILITIES
Pinayagan ng Dept. Of Education na gawing pansamantalang CoViD-19 quarantine facilities ang dalawang eskwelahan sa bayan ng Kalibo para sa mga CoViD-19 patients.
Ito ay ang Kalibo Elementary School at Kalibo Integrated School of Education Center, para maiwasan ang siksikan sa mga quarantine facilities dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng CoVid-19 sa Kalibo.
Ayon sa LGU Kalibo, ang nasabing mga eskwelahan ay pwede ring lagyan ng isolation alinsunod sa guidelines ng Dept. of Health.
40 na classrooms ang gagamitin dito ng LGU Kalibo kung saan babalikatin nila lahat ng gastos.
Ang bayan ng Kalibo ay may mga itinalagang isolation facilities, isa sa Poblacion — ang Ati-Atihan County Inn, The Premier Business Hotel sa Andagao at Kalibo Regional Evacuation Center sa Brgy. Tigayon kung saan umaabot na sa full capacity at hindi na kayang tumanggap pa ng maraming pasyente ng CoViD-19.
Base sa pinakahuling data as of July 5, may 1,242 confirmed cases na ang Kalibo, 992 total recoveries, 207, active cases at 43 ang mga namatay.