National News
Mayroon ng 4% fully vaccinated na mga Pilipino sa buong bansa; Minimum health protocols, malabo pang alisin
Matagal tagal pa bago tanggalin ang minimum health protocols na pinatupad para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, dahil mayroon pa lang 4% ng target population ang fully vaccinated, ayon sa isang adviser for the National Task Force against COVID-19.
“Mababa pa rin po iyan ano, that’s only 4% fully protected Filipinos of our target 70 million,” sinabi ni pandemic task force adviser Dr. Ted Herbosa sa isang Laging Handa briefing kung saan tinanong siya kung pwede ng tanggalin ang COVID-19 restrictions sapagkat 12 milyong Pilipino na ang nabakunahan.
Ayon sa kanya, sa 12 milyong Pilipinong nabakunahan, 9 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna at 3 milyon pa lamang ang kumpletong nabakunahan.
“Ang target ho na mag-advise na tanggalin iyong mask at saka face shield ay pag umabot tayo ng 50% ng target population… so, mga between 40-50 million, nasa three million pa lang tayo,” paliwanag ni Herbosa.
“So, siguro magtiis muna tayo,” dagdag niya.
Nagsimula ang immunization program ng gobyerno mga limang buwan na ang nakalipas kung saan naunang binakunahan ang most vulnerable sectors – health workers, senior citizens, at people with comorbidity.
Subalit, vaccine hesitancy ay nanatiling isang hamon, lalo na sa A2 category, batay kay Herbosa.
“Mataas ang hesitancy, nakita namin, among senior citizens,” aniya.
Ayon sa pinakabagong datos, 98.74% ng mga healthcare workers ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna, at 43.08% naman ang nakatanggap ng mga may comorbidity ng unang dose.
Kumpara dito, mababa ang vaccination rate para sa mga senior citizens, kung saan 25.89% pa lamang ang nakakatanggap ng kanilang unang dose.
Pagdating naman sa pangalawang dose ng bakuna, 70.78% ng mga health workers ay nakatanggap na, habang 13.07% naman sa may comorbidity, samanatala 8.12% lamang ng mga senior citizens ang fully vaccinated.
(Note that target number of senior citizens to be vaccinated is 9.8 million.)
Umaasa ang gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon para makamit ang herd immunity. Nakatakda rin silang bakunahan ang higit 60% ng populasyon na mainly naka-pokus sa Metro Manila para makamit ang population protection.
Source: CNNPhilippines