Connect with us

Capiz News

Police woman sa Capiz hinahangaan matapos pina-dede ang isang 8-buwan na sanggol

Published

on

Hinahangaan ngayon ang isang pulis sa probinsiya ng Capiz matapos nitong padedein ang isang sanggol sa Brgy. Quinayuya, Dao, Capiz sa kanilang groundbreaking ceremony ng Bahaynihan Project sa lugar.

Kinilala ang pulis na ito na si PCpl. Lady Lee Berganio, miyembro ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Nabatid na bulontaryong pinasuso ng pulis ang sanggol para tumahan ito. Napag-alaman na umalis ang ina para umuwi sa lumang bahay nila para kumuha ng ilang gamit na naiwan para sa groundbreaking ceremony ng Bahaynihan project.

Nabatid na ang ina ay binepesaryo ng Bahaynihan project ng Capiz Provincial Police Office.

Continue Reading