Connect with us

National News

Halos 50% ng mga pamilyang Pilipino ang nag-rate ng kanilang sarili bilang mahirap – SWS

Published

on

49% Self-Rated Poverty

Ayon sa isang survey patungkol sa “self-rated poverty” 17% lamang na mga pamilyang Filipino ang nakakaramdam na hindi sila mahirap at 49% ang nakakaramdam na sila’y mahirap.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nilabas noong Biyernes, 49% ng mga pamilya na sinuri mula Abril 28 hanggang Mayo 2 ay inilalarawan ang kanilang sarili bilang mahirap.

“The national Social Weather Survey of April 28-May 2, 2021, found only 17% of Filipino families rating themselves as Hindi Mahirap or Not Poor, 49% rating themselves as Mahirap or Poor,” sabi ng SWS.

Samantala 33% ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na nasa borderline poor.

Ang mga figures ng survey ngayon ay may pagkakahawig sa resulta noong Nobyembre ng 2020 kung saan “16 percent felt Not Poor, 48 percent felt Poor, and 36 percent felt Borderline Poor.”

Dagdag pa ng SWS na ang national self-rated poverty threshold (SRP Threshold) ay tumaas hanggang P13,000 sa Mayo 2021 mula sa P12,000 noong Nobyembre 2020, habang ang median ng self-rated poverty gap (SRP Gap) ay nanatili sa P5,000.

“In the past, the median SRP Gap has generally been half of the median SRP Threshold. This means that average poor families lack about half of what they need to not consider themselves as poor,” paliwanag ng SWS.

Sa mga pamilyang nag-rate ng kanilang sarili bilang mahirap, 9.4% ay hindi kinikonsiderang mahirap sila noong isa hanggang apat na taon, ibig sabihin nabibilang sila sa “newly poor category.”

“The total percentage of poor families consists of 9.4% who were non-poor 1-4 years ago (“Newly Poor”), 4.9% who were non-poor five or more years ago (“Usually Poor”), and 34.9% who never experienced being non-poor (“Always Poor”),” ayon sa SWS.

“Of the estimated 12.4 million Poor families in May 2021, 2.4 million were Newly Poor, 1.2 million were Usually Poor, and 8.8 million were Always Poor,” dagdag nila.

Pinapakita rin ng bagong survey na 32% ng mga pamilya ay sinuri ang kanilang sarili na “food-poor,” habang 23% naman ay sinasabi na
“not food-poor” sila at 45% naman ay tinuturi nilang “borderline food-poor”.

Source: Inquirer.net, Manila Times

Continue Reading