Connect with us

Aklan News

3 GINANG, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Nabas – Tatlong ginang ang arestado pasado alas 5:00 nitong hapon dahil sa ilegal na pagsusugal sa Buenavista, Nabas.

Nakilala ang mga naarestong sina Joy Rodriquez, 45 anyos ng Buenafortuna, Nabas; Mely Manocan, 57 anyos, at Cherry Palomata, 42 anyos, kapwa residente ng Buenavista, Nabas.

Base sa report, kaagad nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang Nabas PNP at Provincial Special Task Force matapos matanggap ang sumbong hinggil sa nasabing pagsusugal, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Kaugnay pa nito, narekober din ang P306.00 nilang pera pampusta sa paglalaro umano nila ng Lucky 9, kasama ang 1 set ng baraha.

Kaagad silang dinala sa kustodiya ng Nabas PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa bukas laban sa kanila.