Aklan News
Kalibo, may 70 positibong kaso ng COVID-19, kabuuang bilang sa Aklan, 144
Pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng Kalibo ngayong araw ng Martes, Hulyo 20, 2021 na umabot sa 70, mula sa 144 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa buong lalawigan ng Aklan.
Ang datos na ito ay mula sa pinakahuling health bulletin na inilabas ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.
Ayon din sa ulat ng Aklan PESU, 227 ang nag-negatibo mula sa 371 na sumailalim sa swab testing kahapon, Hulyo 19, 2021.
Dalawa rin ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.
Samantala, ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bawat bayan ng Aklan:
Balete: 1
Batan: 1
Buruanga: 1
Ibajay: 7
Kalibo: 70
Lezo: 3
Libacao: 1
Makato: 1
Malay: 2
Malinao: 1
Nabas: 21
New Washington: 20
Numancia: 11
Tangalan: 4
Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19.