Connect with us

Aklan News

2 AKUSADO SA MAGKAIBANG KASO, ARESTADO NG KALIBO PNP

Published

on

Kalibo Aklan – Arestado ng kalibo PNP ang dalawang akusado sa magkaibang kaso sa bayan ng Kalibo.

Unang inaresto ang akusado na nakilalang si Reymark Tolentino, 29 anyos at residente ng Tinigao, Kalibo na may kasong Serious Physical Injury at may pyansang 18,000 pesos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naaresto rin ng Kalibo pnp si Emilito Alapag, 35 anyos, residente naman ng Bakhao Norte, Kalibo sa kaso namang pagnanakaw na may pyansang 6,000 pesos.

Ang warrant of Arrest ng mga nasabing akusado ay inisyo ni Hon. Alicia A. Cruz -Barrios, Presiding Judge Municipal Trial Court Kalibo, Aklan na may petsang Hulyo 21, 2021.