Connect with us

Capiz News

2 motorsiklo nagsalpukan sa Mambusao, Capiz delivery rider patay

Published

on

Patay ang isang delivery rider sa Brgy. Tugas, Mambusao, Capiz matapos sumalpok ang motorsiklong menamaneho nito sa isa pang kasalubong na motorsiklo.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Abanes Dela Vega, 30-anyos, residente ng Mangoso, Sigma, Capiz habang hindi pa nakikilala ang nakabangaan nito.

Naganap ang aksidente dakong alas-6:45 ng gabi nitong Huwebes. Papunta umanong Sigma, Capiz ang biktima habang patungong Mambusao, Capiz naman ang nakabanggan nito nang maganap ang aksidente.

Agad na isinugod sa Mambusao District Hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay dakong alas-8:31PM.

Dinala naman sa Sen. Gerardo Roxas District Hospital ang isa pang driver kung saan nakahospital arrest ito.

Continue Reading