Health
Naghahanda na agad ang gobyerno para sa pagbili ng mga bakuna sa 2022
Ngayon palang, naghahanda na ang gobyerno sa pagbili ng mga adisyonal na mga bakuna laban sa COVID-19 para sa 2022 upang maiwasan ang “gap” sa vaccine rollout na maaring maging isang annual health program.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 (NTF) Secretary Carlito Galvez Jr, patuloy ang negosasyon sa 26 milyong karagdagang doses para maging “transition supply” ng bansa para sa taong 2022.
Dagdag pa niya, kasama rito ang 6 milyong doses ng single-shot na Janssen, 10 milyong na Novavax at 10 milyong Sinovac.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, July 24, sinabi ni Galvez na ang maagang negosasyon sa mga drug companies ay makaka-iwas sa nangyari noong first quarter ng 2021, noong nagsimula ang bansa na may 2 milyong China-donated vaccines.
Ayon sa kaniya, nakakuha ang Pilipinas ng 164 milyong doses para sa 2021, sapat para mabakunahan ang malaking parte ng adult population upang makamit ang herd protection sa katapusan ng taon.
Vaccination law
Sa 164 million doses, 29 million doses pa lamang ang nakarating sa Pilipinas.
Sabi ni Galvez na ang natitirang 25 milyong state-bought Sinovac para sa 2021 ay makakarating ngayong Agosto at dagdag niya na dapat ng maghanda ang mga lokal na pamahalaan para sa storing at distribution ng more sensitive Pfizer, Moderna, at Sputnit V na mga bakuna sa mga probinsya sa mga susunod na buwan.
Binalaan naman ng NTF ang mga lokal na pamahalan at mga private companies na gumagawa ng advance payment sa mga drugmakers na walang pahintulot ng national government, kapag patuloy nilang ginawa ito, sila ay lalabag sa COVID-19 vaccination law.
Sa rollout ng Janssen vaccines sa Pasig City noong isang araw, ayon kay NTF deputy chief implementer Vince Dizon na ang Pilipinas ay may na-administered ng 16 milyong doses.
Bukod pa dito, nalampasan na ng National Capital Region (NCR) ang kanilang daily vaccination rate mula sa 120,000 doses, ngayon, 150,000 doses na.
Dagdag pa ni Dizon, na plano ng National COVID-19 Vaccination Operations Center na dagdagan ang daily target ng NCR dahil sa panganib na dala ng Delta variant.
Nais naman ng gobyerno na mag-administer ng 500,000 doses kada araw sa buong bansa.
Source: Inquirer.Net