Connect with us

Aklan News

58 ANYOS NA LALAKI SINAKSAK NG 21 ANYOS NA SUSPEK

Published

on

Sinaksak

Banga, Aklan –Nagtamo ng tama sa kanang tagiliran ang isang 58 anyos na lalaki matapos masaksak kagabi sa Taba-ao Banga, Aklan.

Ang biktima ay nakilalang si Jiovanie Barrera, 58-anyos, residente ng Sitio Bukid, Brgy. Sigcay samantalang ang suspek ay nakilala namang si Joerito Nerval, 21-ayos, residente naman Brgy. Taba-ao, Banga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP nangyari ang insidente mga dakong 8:00 kagabi kung saan pauwi na umano ang biktima ng magkasalubong sila ng suspek at agad itong nilapitan sinaksak at pinalo ng matigas na bagay sa kanyang ulo na kaagad namang isinugod sa Aklan Provincial Hospital pagkatapos ng insidente.

Ayon Kay Police Corporal Ronald Decatoria na kaagad nahuli ang suspek matapos itong bulontaryong sumuko kay Punong Brgy. Rowen Reporen ng Brgy. Taba-ao na kaagad naman sinamahan sa Banga PNP.

Sa ngayon ay nakakulong sa Banga PNP ang nasabing suspek habang nagpapatuloy pa ang karagdagang imbestigasyon sa nasabing insidinte.

Continue Reading