Aklan News
LALAKING NALUNOD SA AKLAN RIVER, PATAY


Banga Aklan – Patay na ng matagpuan ang isang 43 anyos na lalaki matapos malunod sa Aklan river na sakop ng Brgy. Jumarap, Banga.
Nakilala ang biktimang si Randy Alferes, 43 anyos residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Corporal Baclas ng Banga PNP na mga dakong 11:10 kahapon na ireport sa Banga PNP ang nasabing insidente.
Basi sa imbestigasyon sakay umano ng isang balsa ang biktima at 7 iba pa ng aksidenteng tumagilid ito at hindi na nakita ang biktima.
Kaagad nagsagawa ng search and rescue operation ang MDRRMO Banga, Lezo MDRRMO, Banga at Lezo PNP at mga Brgy. opisyal.
Matapos ang ilang oras na pag hahanap sa biktima ay natagpuan ito mga dakong 2:30 na ng hapon sa ilog na sakop na ng Brgy. Mina Lezo at wala ng buhay.