Connect with us

Health

Dapat mag-implement ng circuit-breaker lockdown ayon sa mga experts

Published

on

circuit-breaker lockdown

Ang Pilipinas ay dapat mailagay sa ilalim ng circuit-breaker lockdown sa loob ng dalawang linggo dahil sa banta ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant, ayon sa mga experts na nag-aaral ng pandemya sa bansa.

Sa isang press briefing ng state-run PTV, sabi ni Octa Research fellow Ranjit Rye na ang virus epicenter Metro Manila ay “officially in a surge,” nabanggit niya na tumaas ang reproduction number (R) mula 0.6 noong isang buwan, ngayon naging 1.33.

(R is the number of one positive case that can pass the virus on.)

Batay sa mga experts, dapat mapanatili na below 1 ang R upang ma-contain ang virus transmission hanggang sa magkaroon na ng bakuna. Kapag above 1 ang R, ibig sabihin nito, mabilis ang pag-spread ng virus.

“We should go early and go hard. That would mean we have anticipatory, preventive, circuit-breaking lockdowns,” saad ni Rye.

Dagdag pa niya na kailangan gayahin ng bansa ang ginawang mga measures na inimplement ng Australia at New Zealand.

“Tingin namin, kung gagawin ito over the next two weeks, hindi lang natin mapapababa ‘yung mga kaso, hindi lang natin mapapababa ‘yung mahahawa at mamamatay, mase-save pa natin ang economy kasi napakaikli ng lockdown na gagawin natin,” pahayag niya.

What is a circuit-breaker lockdown?

Hindi gaano nagbigay ng detalye si Rye kung ano ang magiging sitwasyon ng Pilipinas sa ilalim ng circuit-breaker lockdown.

Pero, may similar type na lockdown na na-implement ng Singapore noong Abril 2020 upang ma-contain ang pagkalat ng virus.

Paliwanag ni Rye na sa ilalim ng ganitong lockdown, ang mga tao ay kailangan mag-observe ng “voluntary ECQ” at para sa mga workplaces naman, dapat magkaroon ng “significant work from home strategy.”

Ang ECQ o enhanced community quarantine ang pinaka-mahigpit sa lahat ng mga lockdowns kung saan mayroong “fixed number of people per household are allowed to leave home for essential tasks or work in essential services.”

Ayon sa mga experts sa abroad, ang ganitong klaseng lockdown ang magpapa-minimize ng transmission ng virus habang nag-tratrace ang mga awtoridad ng spread ng virus, nag-eexpand ng contact tracing at pinag-aaralan ang variants.

Mayroon ng naitalang 119 kumpirmadong kaso ng Delta variant, ngunit may mga nag-aalala na ang ” actual number may be far higher” sapagkat maliit na porsyento lamang ang na-sesequence na positibong kaso ng Philippine Genome Center.

Source: Rappler

Continue Reading