Aklan News
GCQ WITH HEIGHTENED RESTRICTIONS SA AKLAN, TULOY HANGGANG AGOSTO 15
Mas pinalawig pa hanggang Agosto 15 ang General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” sa Aklan dahil sa pagsipa ng mga COVID-19 infections.
Inanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang national address Miyerkules ng gabi, July 28.
Ang mga lugar na isasailalim sa GCQ with heightened restrictions mula ika-1 hanggang ika-15 ng Agosto ay ang mga sumusunod: National Capital Region, Ilocos Sur, Bulacan, Laguna, Lucena City, Cavite, Rizal, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental at Butuan City.
Bawal lumabas ang mga batang edad 5-anyos sa mga lugar na nasa GCQ with heightened restrictions.
Regular na GCQ naman ang ipatutupad sa mga sumusunod na lugar sa buong Agosto: Baguio City, Apayao, Quezon, Batangas, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, City of, Zamboanga, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, Gen. Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Sur at Cotabato City.
Mahigpit-higpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) naman sa sumusunod na lugar buong Agosto: Ilocos Norte, Bataan, Lapu-Lapu City, Mandaue City
Pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) pa rin naman ang ipapatupad sa mga sumusunod sa buong Agosto: Iloilo City, Iloilo, Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10.
Ang nalalabing bahagi ng bansa na hindi nabanggit ay mananatili naman sa modified general community quarantine (MGCQ).