Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ULAM, PAMANGKIN TINAGA NG TIYUHIN

Published

on

Batan, Aklan – Tinaga sa ulo ang isang 49 anyos na lalaki ng kanyang tiyuhin sa Barangay Man-up, Batan, alas 7 kagabi.

Nakilala ang biktima na si Narciso Arollan samantala kinilala naman ang suspek na si Willy Gabriel sa legal na edad at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Arollan nagtalo sila ng asawa ng suspek na kanya ring tiyahin sa loob mismo ng kanyang bahay dahil hindi umano ito nagbibigay ng ulam sa kanilang lola.

Narinig ng suspek ang away ng mag tiyahin at agad itong sumugod na may dalang itak.

Tinaga ng suspek ang biktima sa kanyag ulo.

Naagaw diumano ng asawa ng suspek ang itak at itinapon sa labas ng kanilang bahay.

Sa ngayon patuloy na ginagamot sa Aklan Provincial Hospital si Arollan habang payag din itong makipag-ayos sa kanyang tiyuhin basta’t sasagutin na lamang nito ang bayarin sa ospital.