National News
₱863 milyong halaga ng shabu na nakatago sa loob ng mga tea packets, 3 Chinese nationals arestado
May nakumpiskang ₱863 milyong halaga ng crystal methamphetamine o mas kilala bilang “shabu” na nakatago sa loob ng mga tea packets ang mga awtoridad nitong Linggo.
Nakumpiska ang shabu sa isang operasyon sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa ulat ni Dano Tingcungco sa “24 Oras Weekend,” tatlong Chinese nationals ang arestado sa operasyon.
May nakuhang mahigit 127 kilos ng illegal na droga ang Philippine Drug Enforcement Agency sa mga suspects.
“Sila ‘yong bodegero na tinatawag natin at sila na ngayon ang nagdi-distribute all over NCR. They are part of the transnational drug trafficking organization,” sabi ni PDEA director general Wilkins Villanueva.
Ayon kay Villanueva na ang mga operatiba mula sa PDEA, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines ay sinuri ang lugar sa loob ng tatlong buwan.
Haharap sa kasong drug sale at possession ang mga suspects. Samantala, may isa pang Chinese national ulit ang arestado ng mga awtoridad sa Paso de Blas sa Valenzuela City.
Mahigit 15 kilos ng shabu na nakatago sa loob ng mga tea packets ang nakuha mula sa suspect.
“We believe these groups are related to each other. Dito na namin nakikita main source ng drugs,” pahayag ni Villanueva.
Source: GMA News