Health
Pangalawang Grupo ng mga Israeli Medical Delegation dumating sa Pilipinas para magbigay tulong sa kaalaman sa mga Pandemic practices
Dumating sa Pilipinas ang pangalawang grupo ng Israeli medical response team para sa five-day mission upang ipahayag ang karanasan ng Israel sa pandemya at ang kanilang mga pinakamahusay na kasanayan sa pagpapagaling ng mga COVID-19 patients, kasama nila dito ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Ang Israeli delegation, na dumating sa Manila noong July 26, ay binubuo nila infectious diseases at COVID-19 specialist Dr. Guy Chosen; Shira Peleg, head nurse and nursing manager sa Tel Aviv Sourasky Medical Center’s Emergency Department; Eyad Jeries, trauma coordinator sa Galilee Medical Center; at Chaim Markos Rafalowski, disaster management coordinator sa Magen David Adom (MDA).
May mga activities na nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas para sa four-member Israeli delegation ng mga medical experts para ma-obserbahan nila ang COVID-19 response ng bansa at para mapahayag rin nila ang current local clinical guidelines para sa COVID-19, mga infection control protocols, hospital management, at iba pang mga practices.
Dagdag pa rito, binigyan ng kahalagan ni Nir Balzam, Chargé d’Affaires of the Embassy of Israel, sa welcome ceremony ang dramatic improvement ng relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa loo ng mga nakaraang ilang taon, kahit sa gitna ng pandemic.
“Israel has shown its commitment to the Philippines. We will do whatever we can in order to assist and share our knowledge and of course, we are also extending to learn and enhance our knowledge in different challenges that the Philippines have,” pahayag niya.
“As members of the global community we must continue moving as one towards the protection of the entire human race and the scale of this pandemic requires that it is the only rightful response. In our battle against the COVID-19 pandemic we can only truly be safe when everyone is safe regardless of nationality, religion, cultural background, or social stand,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque 3rd.
Ayon naman ay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr, na ni-represent ni Ret. BGen. Augustus De Villa, ang pagdating ng mga Israeli medical experts ay mahalaga, habang tinataas rin ng bansa ang COVID-19 response efforts nito bilang tugon sa pagpasok ng Delta variant.
“While the national government is now focused on scaling up the implementation of our prevent-detect-isolate-treat-reintegrate (PDITR) strategy and impose stricter border control in all points of entry, we know that there is still much to be learned and much to be done,” ayon sa mensahe ni Galves na binasa ni De Villa.
Ito ang pangalawang delegation ng medical experts galing Israel na bumisita sa Pilipinas. Ang unang grupo, na nakapokus sa pagbahagi ng best practices ng Israel sa pagpapatupad ng national vaccination campaign, ay natapos na ang kanilang four-day mission sa Manila noong Hunyo.
Simula pa lang outbreak ng pandemya, nagbigay na ang Israel ng tulong sa Pilipinas laban sa COVID-19. Ang Israeli government ay nagbigay ng iba’t-ibang donasyon na binubuo ng mga personal protective equipment sa Department of National Defense at sa Philippine National Police para sa kanilang mga frontliners. Nag donate rin sila ng mga Education equipment sa Department of Education para makatulong sa distance learning.
Bukod pa doon, patuloy parin ang pagbahagi nito ng kanilang karanasan at kaalaman pagdating sa emergency at pandemic responses sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga webinars, courses, at joint meetings.
Source: TheManilaTimes