Connect with us

Aklan News

Mayroong 2-3 ang naitatalang namamatay bawat araw sa Aklan dahil sa COVID-19 – Gov.

Published

on

covid-19 deaths

Dalawa hanggang tatlo ang namamatay bawat araw dahil sa COVID-19 ang naitala sa Aklan sa loob ng tatlong buwan, ayon kay Aklan Governor Miraflores.

Sa isang televised briefing, batay kay Miraflores, umabot na sa 137 sa kabuuang 184 na mga namatay mula nang nagsimula ang pandemya ay naitala mula noong Mayo hanggang Hulyo.

“Sa ngayon, 184 deaths ang Aklan. That is for the whole COVID pandemic from March last year up to the present. But kung titignan mo yung mga data ang aming COVID deaths from March last year up to April this year, 47 deaths lang,” sabi ni Miraflores.

“But from May, the past three months, May to July, dito talaga nag-surge ang cases sa Aklan. Ang aming COVID deaths ay umabot sa 137. More or less two to three deaths per day. So yun ang nakakabahala sa amin,” dagdag niya.

Pinayuhan ni Miraflores ang mga mayors ng probinsya na maghanda ng burial grounds matapos ma-overwhelmed at tumigil sa pag-tanggap ng mga patay ang nag-iisang crematory sa buong Panay Island.

Dahil sa patuloy ng pag-taas ng mga kaso at namamatay sa COVID-19, nilagay ang Aklan sa ilalim ng modified, enhanced community quarantine hanggang Agosto 15.

Source: Inquirer.Net

Continue Reading