Connect with us

Business

NBI iimbestigahan ang umanong “alleged hoarding” ng mga oxygen tanks at medical supplies sa bansa

Published

on

Oxygen tanks hoarding

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang “alleged hoarding” ng mga oxygen tanks at iba pang medical supplies sa Cebu at ibang bahagi ng bansa.

Nag-isyu ng Department Order 182 si Justice Secretary Menardo Guevarra, na nag-didirekta kay NBI Officer in Charge na si Eric Distor na imbestigahin ang isyu.

Nilabas ni Guevarra ang directive na ito matapos mag-launched ng isang magka-hiwalay na imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) dahil sa “revelation” ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama nitong Martes patungkol sa may nag-iimbak ng mga oxygen tanks sa gitna ng pandemiya.

Noong Miyerkules naman, binalaan ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang mga maling pamamahagi at mga hoarders ng oxygen tanks na huhulihin rin sila ng department.

Gayunman, tiniyak ni Lopez sa publiko na walang kakulangan sa suplay ng oxygen.

“Current industry capacity is about three times more than the current demand. There is a surplus from the producers’ side,” aniya.

“Based on reports from industry, for now, the increase in demand for cylinder tanks is coming more from the households trying to buy for their personal need, either current or potential emergency need,” dagdag niya.

Habang nag-isyu naman si Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong Miyerkules ng executive order na i-regulate ang pagbe-benta ng medical oxygen sa probinsya.

Inutusan ni Garcia ang mga manufacturers at dealers na ibenta ang mga oxygen tanks “directly” sa mga hospitals upang maiwasan ang hoarding sa gitna ng patuloy na pag-taas ng mga kaso ng COVID-19.

Pinahintulutan ni Guevarra ang NBI na magsampa ng naaangkop na charges laban sa lahat ng mga taong sangkot sa pag-iimbak ng mga medikal na supply sa gitna ng pandemya.

Sinabi niya kay Distor na magsumite ng isang progress report sa Office of the Secretary sa loob ng 10 araw.

Source: TheManilaTimes, GMA News