Connect with us

National News

Nagbigay ng paalala ang DOH na ang “no vaccine, no work” policy ay ipinagbabawal

Published

on

no vaccine no work

Nitong Huwebes, tiniyak ng Department of Health (DOH) ang mga manggagawa na walang policy na ipinagbabawal silang mag-trabaho kahit hindi pa sila nakapag-pabakuna.

Sa isang advisory, sinabi ng DOH ang “no vaccine, no work” policy ay hindi pinapayagan, batay sa Department of Labor and Employment’s Advisory No. 3, Series of 2021.

Ayon sa advisory, ang mga employer ay maari lamang hikayatin at hindi dapat pilitin ang kanilang mga employee na magpabakuna. “Any employee who chooses not to get vaccinated or fails to get vaccinated shall not be discriminated against in terms of employment,” saad nito.

Nilabas ng health department ang reminder na ito, isang araw bago ilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at kalapit nitong mga probinsya, ito’y isang paraan ng gobyerno upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang ECQ ang pinaka-striktong kategorya ng quarantine.

Binanggit rin ng DOH ang Republic Act No. 11525, ito ang batas na nag-e-establish ng COVID-19 vaccination program, kung saan ayon dito, ang mga employers ay hindi maaaring humiling ng isang vaccine card bilang isang karagdagang requirement para sa employment purposes.

Kahit noong Marso pa, sinabi na agad ni abor Secretary Silvestre Bello III na ang “any no vaccine, no work policy is illegal,” binigyan niya ng diin na ito’y kinokonsiderang discriminatory sapagkat ang supply ng bakuna ay “very limited.”

Source: Inquirer.Net