Connect with us

Economy

600,000 Filipinos ay pansamantalang mawawalan ng trabaho; P300 bilyon mawawala sa Pilipinas ng dahil sa lockdown -NEDA

Published

on

Metro Manila lockdown

Ayon sa chief economist ng bansa, ang dalawang linggong lockdown sa Metro Manila na inimplement ng gobyerno upang ma-contain ang Delta variant, ay maaring mag-resulta sa pagkawala ng P300 bilyon sa ekonomiya ng Pilipinas.

Nitong Biyernes, pahayag ni Socioeconomic Planning Sec. Karl Kendrick Chua, na ang iba’t-ibang community quarantine classifications, na nagsimula noong Agosto 6, ay makakaapekto sa 68% ng ekonomiya at makakapag-bawas ng P150 bilyon sa product output bawat linggo.

Dahil dito, 600,000 Filipinos ay pansamantalang mawawalan ng trabaho, at tataas ang poverty incidence ng 250,000 katao, ayon kay Chua, kung saan siya rin ang head ng National Economic and Development Authority (Neda).

Ang mga bilang na ito, ay katulad rin sa ibang bahagi ng Southeast Asia, kung saan ang mga factories nila ay naapektuhan rin ng Delta variant.

Na-disrupt din ang global supplies ng goods tulad ng rubber gloves, semiconductors, at sport utility vehicles at nagbabanta sa $3- trilyon ekonomiya ng rehiyon.

Batay sa nakaraang ulat ng Reuters, pinapakita ng mga factory surveys na ang business activity sa karamihan ng ekonomiya ng Southeast Asian na bansa “fell sharply” noong Hulyo.

Ang economic disruptions sa Southeast Asia na sanhi ng virus ay lalong lumala dahil sa “slow pace in vaccinations in the region of 600 million people.”

Nahirapan ang gobyeno na ma-secure ang mga doses at nag-implement na lang ng “costly” lockdowns na nag-iwan ng maraming mga factories na walang manggagawa.

Nagbabala ang HSBC economists na ” low inoculation rates in Indonesia, Vietnam, the Philippines, and Thailand put their economies at risk.”

“This means that populations in these countries could remain vulnerable not only to the current outbreak but any future mutations that may develop,” ayon sa HSBC.

Source: Inquirer.Net