Connect with us

Aklan News

29 CREW NG 2GO MULA CATICLAN, SAPUL SA COVID-19

Published

on

Dinapuan ng COVID-19 ang 29 na tripulante ng passenger vessel na 2GO mula Caticlan na dumating sa Batangas.

Base sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kasalukuyang nasa laot na parte ng Bauan Bay ang St. Anthony De Padua ng 2GO Travel sakay ang mga crew members na nagpositibo.

Ayon pa sa PCG, apat mula sa nabanggit na bilang ang severe cases ng COVID-19.

Asymptomatic at minor lang ang sintomas na nakita sa 25 na iba pang crew members.

“A total of 25 crew members who are asymptomatic or have minor symptoms continue to serve their quarantine aboard the vessel. Subject vessel has on board doctor to cater to the needs of crew members who are positive for COVID-19,” saad ng PCG.

Nagpapatrolya ngayon ang PCG Station Batangas sa Bauan Bay para masiguro na walang ibang watercraft na makalapit sa naturang vessel at walang crew member na makalabas ng walang kaukulang koordinasyon.

Via Tribune.net