National News
Pagpapalawig ng Voters registration, hinimok sa Comelec
Sen. Francis Pangilinan, nanawagan kahapon sa Commission on Elections (Comelec) na pag-isipan muli ang kanilang naunang desisyon at sumang-ayon na i-extend ang panahon para sa voters registration.
Dahil sa mayroong natitirang 52 na araw nalang, mawawalan ng oportunidad ang Comelec na mag-enlist pa ng mga botante dahil sa dalawang linggong lockdown sa Metro Manila, sabi ni Pangilinan.
Nagisyu siya ng panawagan matapos sinabi ng Comelec na ang commission en banc ay hindi pa napag-usapan ang posibilidad ng pag-extend ng voter’s registration period.
“We are in an extraordinary time. One-or two-week extension would mean more people can register to vote,” sabi niya.
Noong nakaraang Hunyo, ayon sa Comelec ang kanilang 4 million projected new voters para sa taong 2022 ay naabot na at nalagpasan na rin, na may kabuoang 60 million registered voters.
Source: Inquirer.Net