Tech
Collegiate Center for Esports (CCE) maglulunsad ng Local Mobile Legends League


Nakarating na sa Philipine collegiate sports scene ang Esports at ang pagtatatag ng Collegiate Center for Esports (CCE).
Layunin nitong gumawa ng lugar para sa mga kabataang Pilipino na gustong magcompete sa booming online games industry. At para masimulan ito, nagplano ang CCE ng official five-on-five Mobile Legends: Bang Bang Varsity Cup, na mangyayari ngayong Oktubre.
“The esports scene, especially ML, has grown bigger and bigger in the Philippines and Asia over the years, paving the way for us in creating an organized league in the collegiate ranks. That’s basically the origin of CCE. Our goal is for this dream to be nationwide down the road,” pahayag ni CCE head organizer Ssein Meneses.
Pero bago ang lahat, meron muna silang sneek peak, mga serye ng 1-on-1 exhbition matches na magaganap ngayong katapusan ng linggo para ma-kickstart ang bagong collegiate sports venture.
Makikita sa 1-on-1 MLBB exhibition ay mga NCAA athletes tulad ni Fran Yu ng Letran, and Season 95 Finals MVP, si Warren Bonifacio ng Mapua, at Jasper Cuervas ng University of Perpetual Help.
Magsisimula ang labanan ngayong Agosto 14, isang double-header, na kung saan magkalaban ang Arellano University at Jose Rizal University, kasunod nito ay ang DLS-CSB laban sa San Beda.
Pagdating naman ng Linggo, makakaroon ng triple-header, sa pagitan ng Lyceum at EAC, San Sebastian at Perpetual, at Letran at Mapua.
Pahayag ni CCE Spokesperson Waiyip Chong, ang initial plans ay nagsisimula pa lamang, sapagkat layunin rin nilang maabot ang ibat’iba pang mga paaralan nationwide–kasama rito ang nasa labas ng Luzon.
“This batch is only the first of the many. We’re hoping to have more schools nationwide including Visayas and Mindanao in the future. That’s our visions,” sabi niya.
Ang Pilipinas ay isa sa mga powerhouses sa MLBB, na mayroon iba’t-ibang mga titles sa Southeast Asian Games, MLBB Southeast Asia Cup at M2 World Championships.
Kasunod ng kanilang 5-on-5 launch ngayong Oktubre, inaasahan ng CCE ang pagkakaroon ng official season by season calendar na kung saan ang mga paaralan ay magkakarron ng regular esports players.
Mapapanood naman ang 1-on-1 ngayon sa online entertainment channel CALM Network na magsisilbing official broadcaster ng tournament.
Source: PhilStar