Business
Presyo ng langis bababa ngayong linggo
Mga oil companies, nakatakdang magpatupad ng minimal price cuts ngayong linggo.
Sa forecast ng Unioil Philippines, bababa ang presyo ng diesel sa P0.20 kada litro, at ang gasoline naman ay bababa ng P0.30 kada liter.
Ito na ang pangalawang magkasunod na linggo ng price cuts sa mga produkto ng langis.
Bago ang parating na pagbawas ng mga presyo, ang year-to-date adjustments ay nasa net increase na P13.25 per liter ng gasoline, P10.40 per liter para sa diesel at P8.70 naman ang kada litro ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, inulat ng Reuters na ayon sa International Energy Agency, dahil sa pagkalat ng Delta variant ng coronavirus, babagal ang recovery ng global oil demand, ito ay sapat na rason para magbaba ng global prices noong nakaraang trading week.
Source: PhilStar