Connect with us

Aklan News

AKLAN MAY 249 COVID-19 DEATHS NA, ILAN SA MGA NAMATAY, NABAKUNAHAN NA

Published

on

This photo is for illustration purposes only. (Photo from the web)

Sumampa na sa 249 ang mga naitatalang namatay sa COVID-19 sa probinsya ng Aklan simula nang mag-umpisa ang pandemya.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, sinabi niya na nakatanggap na ng first dose ang ilan sa mga namatay at may iba naman na fully vaccinated na.

Karamihan aniya sa mga namatay ay mga senior citizens na may mga comorbidities at mga below 60-years old na may mga sakit sa kidney o diabetes.

Imposible umano na namatay ang mga ito dahil sa bakuna dahil ang bakuna ay nagsisilbing panangga sa severe infection at mas malalang sakit.

“Bakuna cannot trigger COVID-19, indi ikaw magka COVID-19 because of the bakuna, maybe naexpose ka eot-imo uwa ka eang kasayod nga na expose ka,” paliwanag ni Cuachon.

Nilinaw ng doktor na kahit ang mga fully vaccinated na kontra COVID-19 ay possible pa rin na dapuan ng sakit.

Kaya mahalaga aniya na kahit fully vaccinated na ang isang tao ay sumunod pa rin sa mga minimum public health standard lalo na ngayon na hindi pa naaabot ang herd immunity sa bansa.