National News
VaxCertPH mobile app ng DICT, DOH i-roll out na sa susunod na mga linggo
Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology na ang “VaxCertPH”, isang portal at mobile app para sa pag-issue ng mga digital vaccination certification sa mga fully vaccinated Filipinos, ay up and running na. Handa na itong i-roll out nationwide pagkatapos ang training ng mga LGU operators sa mga susunod na linggo.
Naganap ito dalawang linggo matapos na-finalized ng World Health Organization ang mga guidance at kasamang technical specifications para sa vaccination certificates noong Hulyo 27, 2021. Dahil dito, isa ang Pilipinas sa mga early adopters ng WHO vaccination certificate standards, ayon sa DICT.
“Even prior to WHO’s issuance of the standards for vaccination certificates, your DICT has already been working on the VaxCertPH in coordination with the DOH. With the new guidelines, we will continue to improve upon the current system to comply with worldwide standards,” sabi ni DICT Secretary Gregorio “Gringo” B. Honasan II.
Ang VaxCertPH ay dinevelop ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa Department of Health (DOH). Ayon sa DICT, umaasa ang VaxCertPH sa data na pinasa ng mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Vaccine Information Management System (VIMS).
“For the system to effectively work, we need data from the LGUs that are complete, accurate, and compliant with the prescribed format for uploading to the system. If we have this, then we can expect both the portal and the mobile app to produce the desired results,” sabi ni Secretary Honosan.
Dagdag pa dito, ang DICT, na sumusunod sa directives ng Inter-Agency Task Force (IATF), ay naka focus sa pag-training ng operators, o users galing sa mga LGUs, sa tamang data entry para mabawasan ang mga data-related errors sa certification portal. Bukod pa doon, gina-gabayan rin ng DICT ang mga LGUs sa pag process ng data rectification requests galing sa kanilang mga vacinees.
Hinihimok naman ng DICT ang lahat ng LGU na i-submit ang respective Line List of vaccinated individual sa pamamagitan ng DICT Vaccine Administration System (D-VAS) para sa anticipation ng kanilang plano sa pag-launch ng digital vaccine certificates.
Ang D-VAS ay parte ng VIMS, na kung saan pwede itong gamitin ng mga LGUs para i-automate pag capture ng mga impormasyon ng vaccinees upang makamit ang mas efficient at accurate data submissions sa VIMS.
“Using the DICT Vaccine Administration System or D-VAS, we were able to cut down the COVID-19 inoculation processing time by half, empowering the government to deliver this most important service to our citizens faster. Aside from this, with a simplified interface, we can also address the risk of inaccuracies in capturing the data,” paliwanag ni Secretary Honosan.
Hinihikayat rin ng DICT sa mga LGUs na hindi pa nakakapag-avail ng DVAS, na i-contact ang kahit anong DICT’s regional offices, ng DOH, o ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Inaasahan ang roll-out ng VaxCertPH mobile app sa susunod na mga linggo.
Source: Yugatech