Connect with us

Iloilo News

DAGDAG NA ₱60 MILYON PARA SA MGA HINDI NAKATANGGAP NG AYUDA, PANAWAGAN NG ILOILO CITY GOVERNMENT

Published

on

Dagdag na ₱60,159,000 ang hiling ng Iloilo City Government para sa mga hindi nakakuha ng cash assistance sa lungsod.

Sakaling ma-aprubahan ng National Government ang pondo, nakatakdang mabigyan ng cash assistance ang 21,808 beneficiaries sa Iloilo City.

Magugunitang unang inihayag ni Mayor Jerry Treñas na hihingi siya ng dagdag na pondo dahil sa kakulangan ng cash assistance para sa benepisyaryo.

Batay sa data ng City Social Welfare and Development Office, may mga hindi pa nabigyan ng assistance o kabilang sa waitlisted:

Jaro – 4,881 beneficiaries – P13,582,000
La Paz – 7,779 beneficiaries – P21,229,000
Lapuz – 1,509 beneficiaries – P6,629,000
Mandurriao – 2,495 beneficiaries – P 7,530,000
Molo- 2,792 beneficiaries – P 4,259,000
Arevalo- 1,133 beneficiaries – P60,159,000

(With reports from Aksyon Radyo)

Continue Reading