Health
“Plus One Policy,” ipapatupad ng DOH para sa mga kasama ng senior citizen at mga taong may comorbidities
Magpapatupad ng “Plus One” policy ang Department of Health (DOH) na magpapahintulot sa mga matatanda at mga may comorbidities na magdala ng isang kasama na maaari ring makatanggap ng bakuna kapag pumunta sila para sa kanilang jab appointment.
Ang mga kasama ng mga senior citizens (nasa ilalim ng A2 priority group) at ng mga may comorbidities (A3) ay hindi na kailangan maging bahagi ng anumang priority group. Ngunit, hindi pa malinaw kung kailangang muna mag-preregister ang mga “Plus One recipient.”
Ngunit, ayon kay Health Undersecretary Maria Vergeire, mga indibidwal na may “specific” comorbidities na nasa ilalim ng A3 ang papayagang magdala ng kanilang Plus One.
“Ang papayagan lang na magdala na A3 ng plus one ay would be those na A3 na immunocompromised po,” sinabi ni Vergeire sa isang town hall meeting.
Kasama rito ang mga taong may cancer, mga sumasailalim sa chemotherapy o radiation, at mga transplant patients, bukod sa iba pa.
Batay kay Vergeire, ang kasama ay dapat “living in the same house as the immunocompromised person.”
Kabilang sa mga A3 na grupo ang mga 18-59 taong gulang na may mga comorbidities ganundin ang mga pregnant women.
Nag-anunsyo rin ang DOH noong nakaraan na ito rin ang gagawin nilang vaccination incentive para sa mga housemates ng mga senior citizens.
Pahayag ni Vergeire na ang policy, ay ang bagong incentive ng gobyerno upang mas maraming tao sa kategoryang A2 at A3 ang mabakunahan. Ito’y inaasahang lalabas ngayong linggo at ibabahagi rin ang mga guidelines “immediately after” ilabas ito.
“To encourage our elderly to get vaccinated, the national government will allow them to bring a helper, a relative or any other person from their household to bring them to vaccination sites,” sinabi ni Vergeire, nitong Miyerkules.
Ayon sa DOH, nitong Agosto 15, mayroong ng 12.5 milyong fully vaccinated sa bansa, malayo pa sa target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino.
Reports from CNN Philippines and Inquirer.Net