National News
Metro Manila ‘heightened’ MECQ; Quarantine pass hindi kinakailangan
Capital region ililipat na sa “heightened” modified enhanced community quarantine simula ngayong Sabado, Agosto 21, mga quarantine passes, hindi na kinakailangan ayon sa chairman ng Metro Manila Council kahapon.
“Ang pagkakaiba ngayon hindi na namin i-implement ang ating quarantine pass,” sabi ni MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Isasailalim ang Metro Manila sa second strictest level ng quarantine sa natitirang mga araw ng Agosto para makurba ang pagkalat ng COVID-19 at ang mas nakakahawang Delta variant nito.
Sa ilalim ng “heightened” MECQ, pahayag ni Olivarez na ang indoor at al-fresco dine-in services, at personal care services, ay pinagbabawal parin, samantala ang religious gatherings ay mananatiling virtual.
Mananatili rin ang nightly curfew na 8 p.m hanggang 4 a.m para malimitahan ang movement ng 13 million na katao sa capital, sabi niya.
Ang imposition ng liquor ban ay nasa desisyon ng iba’t-ibang local government units, dagdag ni Olivarez.
Sa natitirang bahagi ng buwan, saad niya na ang mga Mayor ay magpapatupad ng strict granular lockdowns para mapigilan ang transmission ng COVID-19.
“‘Yung ating mga clustering ay hindi po ‘yung buong barangay. Kundi particular lang ‘yung kalsada, building na puwede po nating i-lockdown para ma-contain ang COVID na ito,” sabi niya.
Inilahad rin ni Olivarez na, hindi magbibigay ang gobyerno ng panibagong financial assistance para sa mga low-income families.
“‘Yung MECQ po hindi po talaga magkakaroon kasi hirap na po talaga ang gobyerno talaga,” sabi niya.
Ayon sa kaniya, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang leading task force ng gobyerno laban sa pandemya, ay nagkaroon ng close vote kung dapat bang i-downgrade o panatilihin ang restrictions sa capital region.
“Sa pagkakaalam ko, first time itong IATF na nag-close voting sila. Talagang mixed po ‘yung kanilang recommendation po kay Presidente,” pahayag niya.
Habang ang Metro Manila ay sinailalim sa ECQ ngayon buwan, ayon kay Olivarez, 70 percent ng adult population nito ay nakatanggap na ng kanilang first dose ng COVID-19 vaccine habang 50 percent naman ang fully vaccinated.
Natanggap na rin ng 70 percent ng mga mahihirap na pamilya ay ang kanilang pandemic assistance, dagdag niya. Magpapatuloy naman hanggang sa susunod na linggo ang distribusyon ng ECQ aid.
Source: ABS-CBN News