Aklan News
REGISTRATION NG NATIONAL ID SA BORACAY, NAGSIMULA NA
Simula ngayong araw, August 23, 2021, maaari nang makapagparehistro para sa national ID ang mga residente ng Boracay ayon sa Philippine Statistics Authority-Aklan.
Ito ay matapos na pumasok sa isang memorandum of agreement ang management ng City Mall-Boracay at PSA para gawing registration center area ang mall.
Ayon kay Engr. Antonet Catubuan, PSA-Aklan head, kaparte ito ng inisyatibo ng ahensya na mas mapalapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno.
“With the installation of the registration center in City Mall-Boracay, residents of the island will be spared of the burden of going to the mainland Malay to enroll for the national ID,” pahayag ni Engr. Catubuan.
Ang kakabukas lang na registration center ay ang ika-11 registration hub sa probinsya ng Aklan para sa national ID.
Para maiwasan ang siksikan, nagtakda na sila ng kanya-kanyang schedule sa bawat barangay kung saan ang mga taga Brgy. Balabag ang uunahin, sunod ang mga taga Brg. Yapak at Brgy. Manocmanoc.
Lahat ng mga registrants ay bibigyan ng appointment slip ng kanilang mga Punong Barangay.
“The scheduling will enable the PSA personnel to efficiently manage the flow of registration every day,” dagdag pa ni Catubuan.
Ang mga aplikante ay pinaalalahanang magdala ng mga kinakailangang dokumento gaya ng valid ID gaya ng birth certificate, UMID ID, passport, driver’s license, IBP ID, PRC ID, seaman’s book, OWWA ID, SSS ID, 4Ps ID, voter’s ID, postal ID, TIN ID, NBI clearance, police clearance, solo parent’s ID, Phil health ID, senior citizen’s ID at PWD ID.