Connect with us

National News

BIR inextend ang tax deadlines sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ

Published

on

tax deadlines

Inextend ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa pag-file ng mga tax returns sa mga areas na nasa ilalim ng enchanced community quarantine (ECQ) at modified enchanced community quarantine (MECQ).

Batay kay BIR Commissioner Caesar R. Dulay, ang extension ay responde nila sa ginagawang efforts ng gobyerno upang ma-kontrol ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Payo ng BIR chied sa mga taxpayers na basahin nila ang Revenue Memorandum Circular 91-2021 para malaman ang detalye patungkol sa extension sa www.bir.gov.ph.

Ayon sa circular, maaring isumite ang mga taxpayers ang kanilang returns sa loob ng 15 na araw, matapos ma-lift ang dalawang klaseng quarantine classification, at wala ring penalty sa mga late payments.

Upang maprotektahan ang mga taxpayers sa COVID-19, papayagan silang mag-file ng kanilang returns sa pinakamalapit na authorized agent bank, kahit ang bank na yun ay sa labas ng jurisdiction ng revenue district office kung saan sila nag-register.

Sabi rin ni Dulay na ang tax filers ay maaring ding gamitin ang online payment ng ilang mga banko, pati na rin ang GCash at PayMaya.

Source: Manila Bulletin