National News
Special risk allowance para sa mga health workers, marerelease at maipapamahagi sa loob ng 10 araw – DBM at Duque
Marerelease ng Department of Budget and Management (DBM) ang P311 milyong pondo na kailangan ng health department upang mabigyan ng benipisyo ang mga health workers sa loob ng 10 araw, ayon sa kanilang officer-in-charge nitong Martes.
“Marerelease naman yun bago ang 10 araw na palugit na binigay ni Presidente,” sinabi ni DBM officer-in-charge, Tina Canda sa ABS-CBN’s Teleradyo.
“‘Yung distribution n’yan DOH na ang bahala. Hopefully mabilis na ang pagdownload ng DOH sa kanya-kanyang ospital atsaka sa private hospitals,” dagdag niya.
Tinayak naman ni Health Chief Francisco Duque III si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes na ang special risk allowance at compensation ng mga health workers ay ipapamahagi hanggang Agosto 31.
Inatasan ni Duterte noong Biyernes ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management na ibigay ang allowances at iba pang COVID-19 benefits para sa mga medical workers sa loob ng 10 araw.
Ito’y matapos nagsabi ang mga medical frontliners na magsasagawa sila ng “medical lockdown” o strike kung hindi nila matatanggap ang kanilang special risk allowance at iba pang mga benepisyo.
“Within your prescribed deadline of 10 days, DBM will release the SARO (Special Allotment Release Order) tomorrow. We’ve been following it up to them and also the contingent fund… We are committed to deliver it in the said time frame you indicated,” sinabi ni Duque kay Duterte sa isang briefing.
Ang SRA para sa mga public health workers ay mula sa miscellaneous personnel benefits fund ng 2021 budget, habang ang funding ng SRA para sa mga private health workers ay mula sa savings ng administrative order na na-sign ni Duterte noong nakaraan, batay kay Canda.
Maraming grupo ng mga health care workers ang nadidismaya sapagkat hindi pa nila natatanggap ang kanilang allowance at benepisyo sa gitna ng pandemiya.
May ilang grupo ring ang nagbanta na magsasagawa sila ng stage protests kapag hindi naibahagi ang mga benepisyo sa loob ng panahon na sinabi ni Duterte.
With reports from ABS-CBN News and GMA News