Agriculture
Pilipinas inaprubahan na ang commercial propagation ng genentically engineered ” Golden Rice”
Inaprubahan na ng Pilipinas ang commercial propagation ng genetically modified Golden Rice matapos ang isang dekadang field test na nagtamo ng malakas na oposisyon galing sa mga anti-GMO activists.
Ang Pilipinas, na isa sa pinaka malaking rice importers sa buong mundo, ay ang unang bansa na nag-apruba sa Vitamin A-enriched grain para sa commercial cultivation, ayon sa Philippine-based International Rice Research Institute (IRRI), na tumulong sa pag-develop ng Golden Rice.
Ang formal biosafety approval ay naisyu na noong nakaraang buwan, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) at ang attached agency nito, Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
“With the biosafety permit, DA-PhilRice has now commenced producing seeds for cultivation, which usually takes three to four cropping seasons,” saad ni Ronan Zagado, and government spokesman para sa Golden Rice initiative.
Unang ide-deploy ang Golden Rice sa mga lugar na mayroong high prevalence ng Vitamin A deficiency pagdating sa third quarter ng 2022, bago ito gawing commercially available para sa konsumo ng publiko, sabi niya Reuters.
Inasahan noong 2011, na aaprubahan ang widespread na pagtatanim ng Golden Rice ngunit naharap ito ng mga pag-aalala galing sa publiko at mga oposisyon galing sa iba’t-ibang mga sector.
Tinuligsa ng Greenpeace ang pag-apruba nito at tinawag ang agriculture department na i-reverse ang kanilang desisyon.
“The DA needs to ensure that farmers are central in a green and just recovery from the pandemic, and are supported by resilient food and farm systems in the face of the climate emergency,” ayon kay Wilhelmina Pelegrina, senior campaigner para sa Greenpeace Southeast Asia.
Gayunpaman, ayon kay PhilRice Executive Director John de Leon, “We have generated extensive data on the safety [of Golden Rice] in terms of national and international safety standards”
Natanggap na ng Golden Rice ang safety approvals mula sa mga regulators sa Australia, New Zealand, Canada, at United States. Undergoing naman sa final regulatory review ang sa Bangladesh, ayon sa IRRI.
Source: Rappler