Connect with us

Aklan News

PDU30, PABOR NA SA CASINO SA BORACAY DAHIL SA KAKULANGAN SA PONDO NG GOBYERNO

Published

on

Photo| https://www.asgam.com/

Nais ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-operate muli ang mga casino sa isla ng Boracay dahil sa kakulangan ng pondo ng pamahalaan.

Sa kanyang public address nitong Huwebes, binawi ni Duterte ang naunang pahayag tungkol sa sugal at ipinaliwanag na kailangan ito ngayon dahil sa kawalan ng pondo ng gobyerno dahil sa pandemya.

“‘Pag sinabi: ‘Ito si Duterte, bakit sabi mo ayaw mo ang sugal, tapos ngayon ‘yung casino sa Boracay, ‘yung gambling house doon, ine-encourge mong buksan para sa tourists?’ Patawarin na po ninyo ako for the contradiction,”ani Duterte.

Sinabi rin ng pangulo na kung ang sugal ang tanging paraan para magkaroon ng pondo ang gobyerno ay papayagan niya ito.

“Ngayon wala tayong pera, kung saan man tayo makakuha ng pera, kukunin ko. Kung diyan sa gambling, so be it,

“Wala akong isang salita, tama ‘yan…pero kailangan ko ng pera para patakbuhin ang gobyerno,

“Ngayon kung nagkamali ako, tama ‘yan, nagkamali ako. Kung wala akong isang salita diyan, tama ‘yan wala akong isang salita diyan pero kailangan ko ng pera para patakbuhin ang gobyerno kasi marami akong nagastos,” dagdag pa niya.

May tatlong Casino ang nag ooperate sa Boracay na binigyan ng permit ng Local Government ng Malay at ng Philippine Amusement and Gaming Corp o PAGCOR.

Ito ay ang Casino sa Crown Regency sa Manocmanoc, Paradise Garden sa Manocmanoc at ang Movenpick sa Yapak.

Noong 2018 Boracay Closure, pinahinto ng Boracay Inter Agency Task Force ang operations ng mga ito base sa utos na rin ni Pangulong Duterte at hindi na nabuksan pagkatapos ng anim na buwan na rehabilitation.

Samantala, nitong July lamang, pinayagan ni Duterte ang mga pag-operate ng ilang gambling activities gaya Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) para makadagdag sa pinagkukunan ng pondo ng gobyerno.