Health
Ayon sa J&J, ang pangalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 ay mas nakakapag-dagdag ng immunity
Ayon sa Johnson & Johnson, ang pangalawang dose ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 ay mas napapa-boost ang immunity kaysa sa unang dose.
Sa dalawang clinical studies na hindi pa na peer-reviewed, ang karagdagang shot “evoked a nine-fold increase in antibodies to the coronavirus,” sinabi ng kumpanya sa isang news release.
Inanunsyo ng administration ni Pangulong Joe Biden ang kanilang plano para sa lahat ng mga American na nabukunahan na ng Pfizer at Moderna na tumanggap ng pangatlong dose, walong buwan matapos ang kanilang pangalawang dose.
Batay sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), inaasahan nila na ang pangalawang dose ng J&J vaccine ay kakailanganin. Ngunit, kailangan pa ng mas maraming data upang magkaroon ng matibay na rekomendasyon.
Hindi tinukoy ng news release ng kumpanya kung kailan kinuha ang pangalawang dose, pero ang impormasyon patungkol sa trials sa government websites, ay nagpapakita na ang kumpanya ay nasasagawa ng testing sa multiple intervals, na nagsimula nang anim na buwan.
Lumabas ang ulat matapos magpahayag ang CDC na ang epektibo ng bakuna laban sa COVID-19 ay bumaba overall matapos maging dominante ang Delta variant.
Sa isang ongoing study ng mga US health workers na karamihan ay nabakunahan ng Pfizer at Moderna shots, ang epektibo nito laban sa anumang infection ay bumaba mula 91%, at ngayon 66% na lamang dahil sa Delta.
Ngunit ang proteksyon nito laban sa severe COVID-19 at kamatayan, ay nanatiling stable, at lumalagpas pa ito ng 90% ayon sa mga studies.
Reports from Agence France-Presse
Source: ABS-CBN News