Connect with us

Aklan News

LGU KALIBO, PATULOY ANG PAGHAHANAP NG RELOCATION SITE SA MGA STALL OWNERS NA NASUNUGAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Patuloy ngayon sa paghahanap ng relocation site ang munisipyo ng Kalibo para sa mga stall owners na nasunugan sa Kalibo Public Market madaling araw nitong Setyembre 15.

Ayon kay Engr. Jessie Fegarido ng Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO)-Kalibo, iminungkahi ng munisipyo na gawing relocation site ang San Lorenzo Drive na kaharap ng Eastern Side Terminal.

Subalit tumutol dito ang ilan sa mga vendors sapagkat mahirap umano sa kanila na maglipat ng paninda sa lugar na malayo sa palengke.

Bagkus iminungkahi ng mga vendors na bigyan na lamang sila ng maliit na espasyo sa may Toting Reyes St. partikular sa harap ng Ang Pue Hardware.

Gayunpaman, sinabi ni Fegarido na inilibot nila ang loob ng palengke kahapon at nakakita sila ng lugar na maaaring gawing pansamantalang vending station ng mga vendors na inaprubahan naman ng mga taga BFP.

Hindi pa batid kung ilang vendors ang kayang akomodahin ng naturang lugar bago pa sila makahanap ng relocation site.

Tinatayang aabot sa mahigit P35 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog.

Tumagal din ng halos apat na oras ang sunog bago tuluyang naapula ng mga bumbero.