Connect with us

Aklan News

BIATF, TITIYAKING NAAAYON SA BATAS ANG OPERASYON NG CASINO SA BORACAY

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

Titiyakin umano ng Boracay Inter-Agency Task force (BIATF) na naayon sa umiiral na batas ang operasyon ng casinos, at iba pang negosyo ng establisyemento sa Boracay Island.

Batay ito sa joint statement ng BIATF kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan nang makapag-operate ang mga casino sa Boracay Island bilang pandagdag sa kinakapos na pondo ng gobyerno.

Ang bawat line agency ay patuloy na susunod sa kanya kanyang mandato at layunin para matiyak ang environmental sustainability ng isla.

Nagpaalala rin ang BIATF sa lahat ng negosyo na magsumite ng kanilang requirements at accreditation processes habang tinitiyak ng BIATF na ang mga sumusunod lang sa proseso ng batas ang mabibigyan ng kaukulang permit.

Pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang BIATF at co-chaired ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT).