Aklan News
ILANG HEALTH WORKERS NG AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL, NAGSAGAWA NG KILOS PROTESTA DAHIL SA NATANGGAP NA KULANG NA SRA AT IBA PANG BENEPISYO
Bitbit ang kanilang mga placard, nagsagawa ng kilos protesta ang mga health workers mula Dr. Rafael s. Tumbucon Memorial Hospital (DRSTMH) upang ilabas ang kanilang hinaing tungkol sa kulang na mga Special Risk Allowance (SRA) at iba pang benepisyo.
Ayon sa kanila, hindi naibigay ng tama at hindi makatarungan ang distribusyon ng hazard pay at SRA.
Hindi rin malinaw sa kanila kung saan napunta at kung bakit may tapyas ang kanilang mga natanggap na SRA.
Umasa sila na matatanggap nila ng buo ang tig P5000 na SRA sa tuwing nag-duduty sa COVID-19 ward mula December hanggang June pero December hanggang April lang ang natanggap nila.
Maliban dito, kalahati lang ng P5000 ang kanilang natanggap at marami pang iba ang wala sa listahan at walang natanggap kahit na kabilang sila sa mga naka-duty sa COVID-19 ward.
Nanawagan din sila na sana ay taasan na ang sweldo ng mga nurse attendant na ngayon ay nasa P375 per day lang.
Giit nila, matagal nang tikom ang kanilang bibig kaugnay sa kanilang mga hinaing pero marahil ito umano ang tanging paraan para pakinggan sila ng gobyerno.
PANOORIN: