Connect with us

Health

WHO, pinag-aaralan kung nakatulong ba ang pag-suot ng face shields laban sa COVID-19

Published

on

face shield experience

Nitong Martes, sinabi ng World Health Organization (WHO) na pinag-aaralan nila ang “Philippines’ experience” sa paggamit ng face shields bilang pandagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Sa isang online press conference, ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na wala pang halos ebidensya na nagpapakita na nakatulong ang face shields bilang pandagdag proteksyon sa pagbagal ng pagkalat ng Delta variant sa bansa.

“It’s interesting that we have been able to sort of delay the speed by which the Delta variant is spreading, but we don’t know if the face shields are a contributory factor,” sinabi niya ayon sa ulat ng ABS-CBN.

“While we are understanding all of these issues, it’s best to look for evidence and make our decisions based on that,” aniya.

Dagdag niya, na ang Pilipinas ang “one of the few countries advocating the use of face shields in addition to a mask” bilang proteksyon laban sa virus.

“The face shields are being used to reduce the likelihood of infection through the eyes and so that’s not actually an additional layer [of protection],” sabi ni Abeyasinghe.

“Although it boosts the protection from poor wearing of mask practices,” pahayag niya.

Tiniyak rin ni Abeyasinghe na tulad ng orihinal na strain ng COVID-19 na nagmula sa Wuhan, China, ang Delta variant ay kumakalat sa pamamagitan ng “aerosols.”

“It is not an airborne transmission,” aniya.

Wear your masks properly

Batay rin sa WHO official na kung sinusuot ang face mask “properly and consistently,” makakatulong ito sa mga tao na maiwasan mahawaan ng COVID-19.

“You can wear 2 masks, you could wear 4 masks, but if you don’t wear it properly or consistently, it will not provide protection,” wika ni Abeyasinghe.

“You don’t need double masking. You don’t need added layers. What you need is diligence in following public health standards,” aniya.

Hinihimok rin ang Department of Health (DOH), ilang mga senador at lokal officials na pahintulutin ang publiko lumabas kahit wala silang face shields sapagkat, may mga bansa na napigilan nila ang pagkalat ng virus na hindi naman nangangailangan ng face shields.

At, napadagdag gastos rin dito ang mga Pilipino na nahihirapan sa gitna ng pandemiya.

Noong Hunyo, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital lang required ang pag-susuot ng mga face shields, habang ayon sa Malacañang na ang “extra layer” ay hindi kailangan suotin sa labas.

Ngunit, matapos ang isang linggo, sinabi ni Duterte na dapat suotin ang face shields kapag pupunta sa mga pampublikong lugar.

Kamakailan, may mga imbestigasyon sa Senate na nagpapakita sa pag-proprocure ng gobyerno ng Pilipinas ng sinasabing “overpriced” na face shields mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Tinanggihan naman ito ni Duterte at sinabing wala raw korupsyon na naganap sa pag-procure ng mga face shields at iba pang pandemic supplies.

(Katrina Domingo, ABS-CBN News)