Connect with us

Capiz News

Lalaki natagpuang patay sa ilog sa Dumarao, Capiz

Published

on

Lalaki-natagpuang-patay-sa-ilog-sa-Dumarao

Isang lalaki ang natagpuang palutang-lutang at naaagnas na sa Badbaran River, Brgy. Tamulalod, Dumarao, Capiz.

Nakilala kalaunan ang lalaki na si Ritchie Atonducan, 47-anyos, residente ng Brgy. Bungsuan sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Dumarao PNP, natagpuan nina Carnuto Clemente Jr. at John Alavaren ang biktima na nakataob at palutang-lutang sa ilog.

Agad na humingi ng tulong ang dalawa sa mga kapulisan para mag-imbestiga.

Nabatid na mayroong psychological disability ang biktima. Isinailalim narin ang kaniyang bangkay sa post mortem para malaman ang sanhi ng pagkamatay.

Naniniwala ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Continue Reading